Nagpatupad ang China ng targeted tariffs sa US imports at binalaan ang ilang kumpanya, kabilang ang Google, kaugnay ng posibleng sanctions.
Reaksyon ito ng Beijing sa ipinataw na malawakang duties sa Chinese imports ni US President Donald Trump.
Ang limitadong tugon ng China sa pagpapataw ni Trump ng 10% tariff sa lahat ng Chinese imports ay pagbibigay ng partida ng bansa sa hakbang ng Amerika.
Ayon naman sa tagapagsalita ng White House, planong kausapin ni Trump si Chinese President Xi Jinping ngayong linggo.
Una nang sinuspinde ng US President ang kanyang banta na 25% tariffs sa Mexico at Canada, at pumayag sa 30-day pause, kapalit ng paghihigpit sa border at crime enforcement.