dzme1530.ph

China, nag-donate ng mahigit 600 sako ng bigas para sa Mayon evacuees

Dumating na sa bansa ang mahigit 600 sako ng bigas na donasyon ng China para sa mga naapektuhan ng pag-aalboroto ng bulkang Mayon sa Albay.

Personal na tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian kay Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian, ang unang batch ng rice donations sa Pier 15 sa South Harbor, Manila.

Ang mahigit 600 sako ng bigas ay binubuo ng 502 bags ng 25-kilogram rice, at 100 bags ng 12-kilogram rice.

Bukod dito, tinanggap din ang 20 kahon ng noodles, 20 boxes ng mga biskwit, at 50 boxes ng harina.

Samantala, nakatakda ring dumating ang 3,600 sako ng 25-kilogram rice na itong kukumpleto sa kabuuang 4,202 bags o 103,750 kilograms na bigas at iba pang food items, na nagkakahalaga ng P4-M.

Bukod dito, magbibigay din ang Chinese government ng P1-M halaga ng cheke para naman sa mga nasalanta ng bagyong “Betty”. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author