dzme1530.ph

China, magbibigay ng relief aid sa Pilipinas kasunod ng malalakas na bagyo

Loading

Magbibigay ang China ng mahigit 2.4 million dollars na pondo at emergency supplies sa Pilipinas matapos ang dalawang magkakasunod na bagyong Tino at Uwan na nagdulot ng mga pagbaha at landslides.

Pahayag ito ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian, bilang pagpapakita ng kabutihan at pakikipagkaibigan sa mga Pilipino.

Idinagdag ni Lin na hangad ng kanilang pamahalaan na agad makabangon ang mga naapektuhan ng kalamidad at maitayo nilang muli ang kanilang mga tahanan.

Ayon naman sa Chinese Embassy sa Maynila, kabilang sa kanilang assistance ang 1 million dollars na cash at 1.4 million dollars na in-kind.

About The Author