dzme1530.ph

China, magbibigay ng P72.5-M development assistance sa Marawi City

Magkakaloob ang China ng P72.5-M na Official Development Assistance (ODA) para sa Marawi City.

Ito ay matapos aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang nasabing multi-million peso assistance.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, sa ilalim nito ay ipagkakaloob sa Marawi ang anim na fire trucks.

Layunin nitong suportahan ang Bangon Marawi Rehabilitation and Recovery Program.

Matatandaang hindi pa rin tuluyang nakababangon ang Marawi City mahigit anim na taon matapos ang Marawi Siege. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author