Tinawag ng Chinese Embassy na “false report” ang alegasyon ng Washington-based think tank, na China ang nasa likod ng malaking ecological damage sa mga lugar sa South China Sea.
Iginiit ng Embahada na ang report na inilathala sa Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ay mali, dahil ibinase ito sa lumang satellite images.
Idinagdag ng embassy na patuloy na pinahahalagahan ng China ang pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan sa South China Sea, pati na ang pagtalima sa domestic at international laws kaugnay ng mga itinayo sa lugar.
Nadiskubre ng AMTI ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) na 4,500 acres’ ng coral reefs ang umano’y sinira ng China nang itayo ang artificial islands sa lugar sa pamamagitan ng dredging at landfill.
Sinabi pa ng American policy group na karagdagang 16,300 acres’ ng coral reefs ang nasira bunsod ng pagha-harvest ng giant clams’ ng Chinese fishermen.