dzme1530.ph

China, ipagpapatuloy na ang pagbibigay ng visa sa mga dayuhan simula bukas

Ipagpapatuloy na ng China ang pagbibigay ng mga visa sa mga dayuhan simula bukas, Marso 15.

Ayon sa embahada ng bansa sa Washington, inalis na ang malawakang paghihigpit na ipinatupad sa nasabing bansa mula noong COVID-19 pandemic.

Paalala pa ng embahada, ang mga visa na inisyu bago ang Marso 28, taong 2020 ay may bisa pa rin at maaari pang magamit sa pagpasok sa China.

Ang bagong polisiya na ito ay magbibigay-daan din sa pagpapatuloy ng visa-free travel sa mga turistang sakay ng mga cruise ship papuntang Shanghai, gayundin para sa pasahero na mula Hong Kong, Macau at mga bansa sa loob ng ASEAN regional grouping.

About The Author