![]()
Handa ang China na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa Russia sa United Nations Security Council at gumawa ng mga hakbang na magpapahupa sa sitwasyon sa Middle East.
Sinabi ito ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa kanyang Russian counterpart na si Sergei Lavrov nang mag-usap sila sa telepono.
Ayon kay Wang, ang pinakamahalagang paraan upang maresolba ang isyu ng paglalayag sa Strait of Hormuz ay magkaroon ng ceasefire sa lalong madaling panahon.
Ginawa ng foreign ministers ang pag-uusap bago pagbobotohan ng UN Security Council sa susunod na linggo ang Bahraini resolution para protektahan ang commercial shipping na papasok at sa paligid ng Strait of Hormuz.
Ang China at Russia ay kabilang sa permanent members ng UN Security Council.
