dzme1530.ph

Chief Justice Alexander Gesmundo, ginawaran ng 2023 Chief Justice Richard W. Holmes Award

Pinarangalan si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo bilang kauna-unang foreign recipient ng 2023 Chief Justice Richard W. Holmes Award sa Honolulu, Hawaii.

Ayon sa Korte Suprema, tinanggap ni Gesmundo ang award noong Setyembre 12, 2023 mula kay Judge Yvette Mansfield Alexander, Presidente ng American Judges Association (AJA), sa taunang AJA Awards 2023.

Sa speech ng Chief Justice, ibinahagi nito ang parangal sa kanyang mga kasamahan sa mataas na hukuman ng Pilipinas, mga opisyal ng hudikatura, mga opisyal at empleyado ng Korte, at mga miyembro ng Bar.

Sinamantala din nito ang pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa mga katuwang sa pag-unlad ng hudikatura, mga international agency at organisasyong panghukuman sa kanilang tulong at suporta. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author