dzme1530.ph

CHED, kinondena ang mga nagaganap na hazing

Mariing kinondena ng Commission on Higher Education (CHED) ang hazing at lahat uri ng karahasan sa Higher Education Institutions (HEIs).

Ito ay matapos ang pagkasawi ng 24-anyos na Chemical Engineeering student mula sa Adamson University dahil sa hazing.

Ayon kay CHED chairperson Prospero de Vera, III, mananatiling matatag ang komisyon sa pagsisikap na alisin ang hazing sa HEIs at lahat ng uri ng walang kabuluhang karahasan base na rin sa RA 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018 na kilala rin bilang Anti-Hazing Law.

Kasunod nito, ipinaabot ni de Vera ang kanyang pakikidalamhati sa naulilang pamilya ng biktima.

Samantala, minabuti Chairman de Vera III ang ginawang pagkalampag ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) para mapabilis ang takbo ng imbestigasyon.

About The Author