dzme1530.ph

CHEAP SHOTS AT CARELESS LANGUAGE NG ALKALDE NG ZAMBOANGA CITY SA IMPEACHMENT CASE NI VP SARA, HINDI PINALAMPAS ILANG KONGRESISTA

Loading

Hindi pinalampas ng ilang kongresista ang anila “cheap shots at careless language” ni Zambuanga City Mayor Khymer Olasco kaugnay sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
 
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, miyembro ng House Justice Panel ang paninira sa trabaho ng komite ay hindi maaaring pamalit sa katwiran at hindi pagtalima sa constitutional accountability.
 
Una nito inupakan ni San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora si Olasco na dati rin nilang kasamahan sa Kamara, sa pag-critize sa impeachment proceedings dahil pinapabababaw nito ang public discourse sa usaping nasyunal.
 
Saad pa ni chuan, ang impeachment ay hindi huntahan sa plaza o sagutan ng mga tsismoso sa kanto.
 
Kung gusto umano ni Mayor Olasco na atakehin ang proseso, gumamit siya ng basehang ligal at hindi linguwahe na nagpapa-babaw sa diskusyon at nakakainsulto sa talino ng publiko.
 
Ipinamukha pa ni Chua kay Olasco na ang ginagawa ng House Comiittee on Justice ay hindi laro kundi magsunod sa constitu-tional mandate.
 
Bilang dating kongresman, dapat alam ni Olasco ang trabaho ng paggawa ng batas at pag discharge sa constitutional responsabilities.

About The Author