dzme1530.ph

Change of command sa PNP, itinakda sa March 27

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa change of command ceremony sa March 27 subalit wala pang impormasyon kung sino ang papalit kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr.

Sa press conference, inihayag ni PNP Spokesperson, PCol. Jean Fajardo na hindi pa niya alam kung mabibigyan si Acorda ng panibagong extension o mapapalitan na.

Alinsunod sa batas, sinabi ni Fajardo na pipili ang Pangulo ng bagong PNP Chief mula sa mga opisyal na mayroong ranggong police brigadier general, pataas.

Si Acorda na itinalagang PNP Chief noong April 24, 2023, ay nagtapos na sana ang termino noong December 3, 2023 sa pagtungtong niya sa retirement age na 56, subalit pinalawig ito ni Pangulong Bongbong Marcos hanggang March 31, 2024.

About The Author