dzme1530.ph

Chairperson ng Energy Regulatory Commission, sinuspinde ng Ombudsman

Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta, kasunod ng reklamong inihain ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE).

Inakusahan ng NASECORE si Dimalanta na pinayagan nito ang Manila Electric Company (MERALCO) na bumili ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at ipinasa ang charges sa consumers kahit walang nakuhang kinakailangang approval mula sa ERC, na umano’y labag sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Inihayag ni Ombudsman Samuel Martires na malakas ang mga ebidensya laban kay Dimalanta na inireklamo ng grave misconduct, grave abuse of authority, gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of the service, na posibleng ikatanggal niya sa serbisyo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author