dzme1530.ph

Ceremonial Energization ng Cebu-Negros-Panay backbone project, pinangunahan ni PBBM

Nagtungo sa Bacolod City si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes, para sa iba’t ibang aktibidad kabilang ang Energization ng Cebu-Negros-Panay 230K backbone project.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang dumating ang Pangulo sa Bacolod Substation, district office ng National Grid Corp. of the Philippines, para sa pagsasagawa ng aerial inspection ng CNP-3 transmission line.

Nag-ikot din ito sa Bacolod Substation bago ang Ceremonial na pagpapagana ng Cebu-Negros-Panay 230k backbone project.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng kabuuang P67.98 billion, at magiging malaking tulong ito sa transmission network ng Visayas partikular sa Cebu, Negros Island, at Panay.

About The Author