Anim na bagong cooling towers ang ilalagay sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, simula bukas hanggang sa Miyerkules, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).
Tinaya sa 27,000 mga pasahero mula sa 117 flights ang maaring makaranas ng discomfort bunsod ng mainit na temperatura sa loob ng 12-oras na instalasyon, simula 9:00 ng gabi hanggang 9:00 ng umaga.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, i-sa-shutdown ang centralized cooling system upang bigyang daan ang pag-a-upgrade sa naturang pasilidad.
Tiniyak naman ni Ines na magpapakalat sila ng portable airconditioning units upang hindi gaanong mainitan ang mga pasahero.