Walang basehan para i-cite ng indirect contempt ng Ombudsman si Cebu Governor Gwen Garcia, dahil nakakuha ito ng temporary restraining order (TRO) laban sa ipinataw sa kanyang suspensyon.
Ayon kay Atty. Alex Avisado, legal counsel ni Garcia, hindi sumuway ang kanyang kliyente, subalit kinuwestyon nito sa Court of Appeals ang preventive suspension na ipinataw ng tanodbayan.
Naglabas ang Special 17th Division ng appellate court ng TRO sa suspensyon noong May 15, matapos maghain ang mga abogado ni Garcia ng petition for certiorari and prohibition laban sa kautusan ng Ombudsman.
Sinabi ni Avisado na nangangahulugan ito, na hindi maaaring ipatupad ng Ombudsman at lahat ng mga opisyal na nasa ilalim ng kapangyarihan nito, ang suspension order na may petsang April 23, 2025.