Nagdeklara ng krisis sa tubig ang pamahalaang lungsod ng Cebu dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Cebu City Mayor Michael Rama, ipinatawag na niya ang appointed members ng Metro Cebu Water District (MCWD), Cebu City Disaster Risk Reduction And Management, city councilors, at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno upang matugunan ang water crisis.
Sa kabila nito, positibo si Rama na makapaglalaan pa rin ng suplay ng tubig para sa kaniyang mga nasasakupan, kasabay ng paghikayat sa mga Cebuano na magtipid sa pagkonsumo nito.
Hinimok din ng alkalde ang halos 19 na konsehal ng Cebu City na bisitahin ang mga barangay at suriin ang sitwasyon ng mga residente.
Una nang sinabi ni Rama na hindi na normal ang heat index na nararanasan sa naturang lungsod.