dzme1530.ph

Cebu Archdiocese, iginiit na pag-aari nila ang pulpit panels na nakita sa National Museum

Iginiit ng Archdiocese of Cebu na pag-aari nila ang matagal nang nawawalang pulpit panels na kamakailan lamang ay nakitang naka-display sa National Museum.

Sinabi ni Cebu Archbishop Jose Palma, na walang record na anumang request para alisin ang panels at ilipat kapalit ng pera para sa parokya.

Aniya, hindi rin ito inaprubahan lalo’t ang mga pulpito at sagradong bagay ng Simbahan, kung saan sa loob ng ilang siglo, ay dito ibinabahagi ng mga Paring Augustino ang kanilang sermon sa mga Deboto.

Idinagdag ni Palma na bagaman nauunawaan ng Archdiocese ang pagnanais ng National Museum na ipakita ang panels sa publiko, ang mga ito ay ikinukonsiderang “Sagrado” at ang iligal na pag-alis nito ay kalapastanganan.

About The Author