dzme1530.ph

CCC, nanawagan ng Bayanihan laban sa climate change

Nanawagan ng bayanihan ang Climate Change Commission (CCC) laban sa climate crisis at para sa disaster resilience.

Sa “Call to Action and Collaboration” sa Asian Conference on Climate Change and Disaster Resilience, hinikayat ni CCC Executive Director Robert Borje ang lahat ng stakeholders na makibahagi sa global efforts sa pagtugon sa climate change.

Sa pamamagitan umano ng pagtutulungan ay mas maraming buhay ang maililigtas, at mas maraming kabuhayan ang mapoprotektahan para sa kapakanan ng henerasyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Iginiit ni Borje na ang climate change ay dapat isaalang-alang sa lahat ng bubuuin at ipatutupad na polisiya, dahil ngayon ay nakakaapekto na rin ito sa human development at human security.

Binigyang diin pa ng CCC na ang climate change ay dapat maging sentro ng Socio-Economic Development Plan ng Pilipinas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author