dzme1530.ph

CBCP, nagbabala laban sa fake news at kasinungalingan sa social media

Loading

Nagbabala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) laban sa paglaganap ng fake news at maling impormasyon sa social media, kasabay ng mga imbestigasyon sa mga umano’y maanomalya at korap na proyekto ng pamahalaan.

Sa kaniyang homilya sa Metropolitan Cathedral of San Sebastian sa Lipa, Batangas, sinabi ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera na ang kasinungalingan ay ang “nakatatandang kapatid ng korapsyon.”

Pinayuhan ni Garcera ang publiko na maging mapanuri sa mga opinyong ipinakikilala bilang katotohanan sa social media. Babala nito, hindi nababago ng opinyon ang katotohanan, at hindi rin awtomatikong nagiging tama ang isang mali dahil lamang sa suporta ng marami.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na harapin ang mga kasinungalingan at isyu ng korapsyon nang may tapang at katapatan, at binatikos ang pananahimik sa harap ng mali na, aniya, ay pinaiiral ng takot at pagkukunwari.