dzme1530.ph

CBCP, maglalabas ng Oratio Imperata para humupa ang tensyon sa West Philippine Sea

Maglalabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng Oratio Imperata o mandatory prayer, na dadasalin upang humupa ang tensyon sa West Philippine Sea.

Inanunsyo ni CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na bibigkasin ang Prayer for Peace sa mga Simbahan sa loob ng mahigit limang buwan.

Nakatakdang i-release ang Oratio Imperata sa July 25, sa kapistahan ni St. James at dadasalin ito hanggang sa Solemnity of the Mother of God sa Jan. 1, 2025, na World Day of Peace.

Idinagdag ni David na bilang Obispo, mas nais nilang maglabas ng panalangin, sa halip na gumawa ng mga pahayag na lalo lamang magpapaigting sa tensyon sa pinagtatalunang teritoryo.

About The Author