![]()
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga debotong katoliko na ngayong Semana Santa, mag-fasting hindi sa pagkain, kundi sa sobrang paggamit ng cellphones at social media.
Sa pastoral letter, sinabi ng CBCP na bahagi rin ng fasting ang pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng distraction sa pagiging malapit sa Panginoon.
Sa pamamagitan ng fasting sa digital media, mararanasan muli ang katahimikan, makapagdarasal, makapag-iisip, at mapagtitibay ang relasyon sa mga mahal sa buhay.
Kabilang sa mga paraan ng pagsasagawa ng digital media fasting ay pag-iwas sa paggamit ng cellphone bago matulog at paggising; limitahan ang social media at streaming time; pairalin ang device-free meals at gatherings; at alisin ang nakadi-distract na apps sa phone.
