dzme1530.ph

CBCP: Gobyerno may obligasyong huwag makinabang sa sugal

Loading

Mariing kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na operasyon ng online gambling sa bansa.

Sa isang bukas na liham na ipinadala noong July 15 kay PAGCOR Chair Alejandro Tengco, iginiit ni CBCP President Bishop Pablo Virgilio David na hindi ito simpleng regulasyon kundi isang moral na usapin.

Tinuligsa ni Bishop David ang ideya ng “Responsible Gaming,” na aniya’y isang kontradiksyon. Giit niya, ang mga online gambling platform ay madaling mapasok ng kabataan, may 24/7 access, at agresibong marketing.

Ayon sa obispo, obligasyon ng gobyerno na huwag makinabang sa sugal, dahil higit na mahalaga ang dignidad ng tao kaysa sa kita mula sa bisyo.

 

About The Author