dzme1530.ph

Cavite Gov. Jonvic Remulla, nakatakdang manumpa na bilang bagong DILG Sec. ngayong umaga

Manunumpa na sa pwesto si Cavite Gov. Jonvic Remulla, bilang bagong kalihim ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t.

Pangungunahan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath taking ni Remulla sa Malacañang, alas-9:45 ngayong umaga

Mabababatid na una nang inanunsyo ni Justice Sec. Boying Remulla na inappoint ang kanyang kapatid bilang bagong DILG Sec.

Bago ito, ini-atras ni Remulla at ni Cavite Vice Gov. Athena Tolentino ang kanilang certificates of candidacy para sa reelection sa Cavite.

Papalitan ni Remulla si former DILG Sec. Benhur Abalos na nag-resign matapos maghain ng kandidatura para sa pagka-senador. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author