Inaasahang manunumpa ngayong Martes si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang kalihim ng Interior and Local Government, ayon sa kanyang kapatid na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Isiniwalat ng Justice Secretary na nakatakdang manumpa ngayong umaga ang kanyang kapatid, na aniya ay aatras na sa pagkandidato sa Halalan 2025.
Binakante ni DILG Secretary Benhur Abalos ang puwesto nito makaraang maghain ng certificate of candidacy sa pagka-senador.
Naniniwala naman ang DOJ Secretary na ang appointment ng kanyang kapatid ay makatutulong sa pagbuti ng justice system.
Ito, aniya, ay dahil ang Justice Sector Coordinating Council, ay binubuo ng DILG, DOJ, at Supreme Court.
Dagdag ni Remulla, mas mapapadali na ang commitments dahil maaari nilang pag-usapang magkapatid ang anumang kailangan nilang gawin at mas maganda ang koordinasyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera