dzme1530.ph

Cavaliers, wagi sa NBA Summer League makaraang padapain ang Rockets

Nasungkit ng Cleveland Cavaliers ang NBA Summer League championship makaraang tambakan ang Houston Rockets sa score na 99-78.

Pinangunahan ni Isaiah Mobley ang Cavaliers sa pamamagitan ng kanyang 28 points at 11 rebounds.

Ito ang kauna-unahang titulo ng Cavs mula nang gawing tournament format ang Summer League noong 2013.

Nag ambag naman sina Sam Merrill ng 27 points at Emoni Bates ng 19 points para sa Cleveland.

Samantala, pinangunahan naman ni Nate Hinton ang Houston makaraang umiskor ng 18 points at 10 rebounds. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author