Mga pulis na rumesponde sa Baliwag hostage, pinapurihan ng PNP; dumating sa loob ng 5 minuto
Nailigtas ang isang binatilyong biktima ng hostage sa Baliwag, Bulacan, kahapon, matapos ang mabilis na aksyon ng pulisya. Ayon sa Philippine National Police (PNP), bandang 1:35 a.m. umatake ang armadong suspek sa dalawa katao bago i-hostage ang binatilyo. Nai-report ang insidente sa Baliwag City Police Station sa pamamagitan ng E911 alas-1:40, at dumating ang mga […]