dzme1530.ph

Senate

Ilang mga senador, nabahala sa pagbaba ng taripa sa bigas at iba pang produkto

Nagpahayag ng kani-kaniyang pangamba ang ilang senador sa pagpayag ni Pang. Bongbong Marcos na ibaba ang taripa o buwis sa imported na bigas sa 15% mula sa dating 35%. Para sa chairperson ng Senate Committee on Agriculture na si Sen. Cynthia Villar, hindi na magkakaroon ng sapat na pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund […]

Ilang mga senador, nabahala sa pagbaba ng taripa sa bigas at iba pang produkto Read More »

Sapat na suplay ng malinis na tubig sa mga apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon, pinatitiyak ng isang Senador

Nanawagan si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa executive department na tiyakin na magkakaroon ng malinis at maiinom na suplay ng tubig ang mga residente na naapektuhan sa pagputok ng Mount Kanlaon. Dahil sa ashfall mula sa bulkan, maaaring kontaminado na aniya ang suplay ng tubig ng mga komunidad partikular ang mga nasa bisinidad ng

Sapat na suplay ng malinis na tubig sa mga apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon, pinatitiyak ng isang Senador Read More »

Kampo ni Mayor Guo, nagsumite ng letter of explanation sa Senado

Inalmahan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang mga alegasyon na iniuugnay ang kanyang amang si Angelito Guo sa money laundering activities sa bansa. Sa kanyang liham na isinumite ngayong araw sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kasabay ng executive session kaugnay sa mga aktibidad na may kaugnayan sa ni-raid

Kampo ni Mayor Guo, nagsumite ng letter of explanation sa Senado Read More »

National Security Council, inirekomendang i-convene upang talakayin ang epekto ng POGO sa national security

Inirekomenda ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang pag-convene ng National Security Council upang talakayin ang banta sa national security ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ito ang kinumpirma ni Committee Chairperson Risa Hontiveros matapos ang executive session kaugnay sa iniimbestigahang POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sinabi ni

National Security Council, inirekomendang i-convene upang talakayin ang epekto ng POGO sa national security Read More »

Gobyerno, hinimok na manatiling kalmado sa gitna ng panibagong pambubuyo ng China

Hinimok ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang gobyerno na manatiling kalmado sa kabila ng panibagong pambubuyo ng China at pang-aagaw pa ng suplay para sa tropa ng pamahalaan sa Ayungin Shoal. Sinabi ni Escudero na umaasa siyang maidaraan pa rin sa dayalogo at mapayapang pag-uusap ang usapin sa West Philippine Sea upang hindi humantong

Gobyerno, hinimok na manatiling kalmado sa gitna ng panibagong pambubuyo ng China Read More »

Pagbababa ng taripa sa bigas at iba pang produkto, magdudulot ng pagbaba ng inflation, ayon kay SP Escudero

Tiwala si Senate President Francis Escudero na may malaking positibong epekto sa ekonomiya ang hakbang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ang taripa sa bigas at iba pang produkto. Sinabi ni Escudero na sa sandaling maibaba ang taripa, bababa ang presyo na may epekto sa inflation at sa ekonomiya sa kabuuan. Kasabay nito, sinabi

Pagbababa ng taripa sa bigas at iba pang produkto, magdudulot ng pagbaba ng inflation, ayon kay SP Escudero Read More »

Pagpapababa ng taripa sa imported na bigas at karne, dagok sa mga magsasaka

Inalmahan ni Sen. Imee Marcos ang plano ng National Economic Development Authority (NEDA) na ibaba ang taripa ng imported na bigas, karneng baboy at iba pang produkto. Sa rekomendasyon ng NEDA, ibaba sa 15% ang taripa sa bigas mula 35%. Sinabi ni Marcos na ayaw nya sanang palaging nagiging kontrabida subalit hindi anya masisikmura ang

Pagpapababa ng taripa sa imported na bigas at karne, dagok sa mga magsasaka Read More »

Divorce bill, daraan sa butas ng karayom sa Senado

Daraan sa butas ng karayom ang pagtalakay ng Senado sa isinusulong na Divorce Bill ng mga kongresista. Ito ang naging paglalarawan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada matapos ang naging survey niya sa mga senador kaugnay sa Divorce Bill. Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang senador sa mga kapwa mambabatas na nagulat nang ilabas

Divorce bill, daraan sa butas ng karayom sa Senado Read More »

Pag-amin ni Duque sa utos ni Duterte na ilipat ang COVID Funds, may malaking implikasyon

Kumplikado ang implikasyon ng pag-amin ni dating Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na mismong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ilipat ang P47.6 billion Covid Funds ng DOH sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM). Ito ang iginiit ni dating Senador Panfilo Lacson na nagsabing malaki ang

Pag-amin ni Duque sa utos ni Duterte na ilipat ang COVID Funds, may malaking implikasyon Read More »

Pinakahuling harassment ng CCG sa Ayungin Shoal, hindi katanggap-tanggap

Hindi katanggap-tanggap ang pinakahuling harassment ng China Coast Guard laban sa tropa ng pamahalaan at mga mangingisdang Pinoy sa Ayungin Shoal. Ito ang reaksyon ng magkapatid na senador na sina Sen’s. JV Ejercito at Jinggoy Estrada matapos ang pagharang sa mga mahahalagang supply para sa tropang naka-istasyon sa Ayungin Shoal at humarang sa evacuation ng

Pinakahuling harassment ng CCG sa Ayungin Shoal, hindi katanggap-tanggap Read More »