dzme1530.ph

Senate

3 senador, 2 kongresista at isang opisyal ng Commission on Audit, pinangalanan sa flood control anomaly

Loading

Pinangalanan ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara ang tatlong senador, dalawang kongresista at isang opisyal ng Commission on Audit na umano’y nakinabang bilang “proponents” sa flood control projects na ibinaba sa kanyang nasasakupan. Kabilang sa mga ito sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, dating Senador […]

3 senador, 2 kongresista at isang opisyal ng Commission on Audit, pinangalanan sa flood control anomaly Read More »

Pagpapalawak ng freeze order sa ari-arian ng sangkot sa flood control anomaly, mahalagang hakbang sa accountability

Loading

Pinuri ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mabilis na aksyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pagpapalawak ng freeze orders na sumasaklaw hindi lang sa bank accounts kundi maging sa investments at personal na ari-arian ng mga sangkot sa anomalya sa flood control projects. Ani Gatchalian, ito ay mahalagang hakbang upang mapanagot ang mga nagwawaldas ng

Pagpapalawak ng freeze order sa ari-arian ng sangkot sa flood control anomaly, mahalagang hakbang sa accountability Read More »

Engr. Brice Hernandez, posibleng tanggalan ng legislative immunity

Loading

Posibleng bawiin ng Senado ang legislative immunity na ibinigay kay Engineer Brice Hernandez, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson. Ito’y matapos tumanggi si Hernandez na isuko ang kanyang computer na pinaniniwalaang naglalaman ng mahahalagang files kaugnay sa imbestigasyon ng anomalya sa flood control projects. Pinaalala ni Lacson na ang pagbibigay ng immunity

Engr. Brice Hernandez, posibleng tanggalan ng legislative immunity Read More »

50% discount beep cards, welcome relief sa mga estudyante kapos sa budget

Loading

Ikinatuwa ni Sen. Sherwin Gatchalian ang paglulunsad ng 50% discount beep cards para sa mga estudyante na gagamit ng MRT-3, LRT-1, at LRT-2. Ayon kay Gatchalian, malaking ginhawa ito para sa mga mag-aaral na nahihirapang pagkasyahin ang kanilang limitadong budget para sa edukasyon. Iginiit din ng senador na mahalagang tiyakin ng pamunuan ng mga tren

50% discount beep cards, welcome relief sa mga estudyante kapos sa budget Read More »

Mga kilos protesta ng taumbayan, dapat magsilbing babala sa mga opisyal ng gobyerno na gawin ang tama sa pamamahala

Loading

Malakas at malinaw ang panawagan ng lahat na ayusin ang trabaho sa gobyerno at iwasan ang korapsyon. Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo kasunod ng mga kilos protesta kahapon. Ayon kay Tulfo, malinaw ang mensahe ng mga nagprotesta na pinapanood ng taumbayan ang kilos ng gobyerno at sawa na sila sa katiwalian. Aniya,

Mga kilos protesta ng taumbayan, dapat magsilbing babala sa mga opisyal ng gobyerno na gawin ang tama sa pamamahala Read More »

Mga bagong dokumento, iba pang ebidensya ni Engr. Brice Hernandez, posibleng i-turn over sa ICI

Loading

Tiniyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na daraan sa tamang proseso ang chain of custody ng mga dokumento, computer, at iba pang nakuhang bagay ni Engineer Brice Hernandez na posibleng susuporta sa kanyang mga pahayag kaugnay ng anomalya sa flood control projects. Itinakda ni Lacson bukas, Setyembre 22, alas-9 ng umaga, ang

Mga bagong dokumento, iba pang ebidensya ni Engr. Brice Hernandez, posibleng i-turn over sa ICI Read More »

PhilHealth, dapat singilin sa pangakong mas malawak na health benefit packages, ayon kay Sen. JV Ejercito

Loading

Sisingilin ni Sen. JV Ejercito ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pangakong mas malawak na benefit packages, kasunod ng desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibalik sa kanila ang P60 bilyong excess fund. Sinabi ni Ejercito na malaking tulong ang desisyon ng Pangulo para tunay na maramdaman ang Universal Health Care Law.

PhilHealth, dapat singilin sa pangakong mas malawak na health benefit packages, ayon kay Sen. JV Ejercito Read More »

Mas mataas na pondo para sa kalusugan, iginiit

Loading

Nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kapwa mambabatas na bigyang prayoridad ang paglalaan ng pondo sa sektor ng kalusugan. Ito’y kasunod ng ulat na tataas ng 18.3% ang gastusin sa serbisyong medikal sa Pilipinas bago matapos ang 2025, ang pinakamataas na pagtaas sa buong Asya. Bilang dating Chairperson at ngayo’y Vice Chair

Mas mataas na pondo para sa kalusugan, iginiit Read More »

Pagtatakda ng withdrawal limit sa mga bangko, malaking tulong sa pagbabantay sa money laundering activities

Loading

Welcome development para kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na higpitan ang panuntunan sa malalaking cash withdrawal sa pamamagitan ng pagtatakda ng withdrawal limit na ₱500,000 kada banking day. Ayon kay Lacson, sa pamamagitan nito ay mahihirapan ang mga nagbibigay at tumatanggap ng suhol. Batay

Pagtatakda ng withdrawal limit sa mga bangko, malaking tulong sa pagbabantay sa money laundering activities Read More »

Brice Hernandez, pinayagan nang makalabas upang maghalungkat ng ebidensya

Loading

Kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” Lacson na pumayag si Senate President Tito Sotto na lumabas si Engineer Brice Hernandez upang makapaghalungkat ng ebidensya kaugnay sa kanyang mga alegasyon sa flood control projects. Ayon kay Lacson, lalabas si Hernandez mula sa Senate Detention Facility bukas ng alas-6 ng umaga at kinakailangang bumalik

Brice Hernandez, pinayagan nang makalabas upang maghalungkat ng ebidensya Read More »