dzme1530.ph

Latest News

Matindi at madalas na pagbaha sa Palawan, pinabubusisi sa senado

Loading

Iginiit ni Senador Erwin Tulfo ang pangangailangan ng agarang imbestigasyon sa paulit-ulit at matitinding pagbaha sa Puerto Princesa City, Palawan kasunod ng panibagong insidente ng pagbaha nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 18. Sa ulat, halos 100 pamilya ang nirescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang barangay sa lungsod matapos bahain dulot ng Bagyong […]

Matindi at madalas na pagbaha sa Palawan, pinabubusisi sa senado Read More »

Social media platforms, binalaang posibleng maharap sa aksyon ng gobyerno kung hindi lilinisin ang mga fake news

Loading

Binalaan ni Senador Sherwin Gatchalian ang malalaking social media platforms  tulad ng Facebook na posibleng maharap sa aksyon ng pamahalaan kung hindi lilinisin ang kanilang platform mula sa fake news at disinformation.  Sa mga nagdaang taon anya malinaw na nakita na kung paano ginagamit ng masasamang loob ang social media, tulad ng Facebook, bilang sandata

Social media platforms, binalaang posibleng maharap sa aksyon ng gobyerno kung hindi lilinisin ang mga fake news Read More »

Dating Sen. Pacquiao, muling pinatunayan ang pagiging alamat sa mundo ng boksing

Loading

Pinasalamatan at pinuri ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si dating Senador Manny Pacquiao sa kanyang matapang na pagbabalik sa mundo ng boksing, matapos ang laban nito para sa WBC welterweight title. Sa edad na 46, muli anyang pinatunayan ni Pacquiao ang kanyang pagiging alamat sa larangan ng boksing. Bagama’t hindi niya nabawi ang

Dating Sen. Pacquiao, muling pinatunayan ang pagiging alamat sa mundo ng boksing Read More »

DOLE, muling ipinaalala ang pagpapatupad ng minimum wage rate sa Metro Manila

Loading

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga private employer sa Metro Manila na ipatupad na ang dagdag na ₱50 sa minimum wage, ng mga empleyado. Tinatayang nasa 1.2 million na manggagawa ang makikinabang sa pagtaas ng sahod. Hinikayat din ng DOLE ang mga manggagawa na i-report sa kanila ang mga employer na

DOLE, muling ipinaalala ang pagpapatupad ng minimum wage rate sa Metro Manila Read More »

Epekto ng online gambling, tinitimbang pa ng pamahalaan —ES Bersamin

Loading

Pinag-aaralan pa ng gobyerno ang mga epekto ng online gambling sa bansa, ayon kay Exec. Sec. Lucas Bersamin. Sinabi ng Punong Kalihim na wala pang inilalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na anumang direktiba hinggil sa online gambling, na nahaharap sa mga panawagan na ipagbawal na sa bansa bunsod ng epekto nito sa lipunan. Idinagdag

Epekto ng online gambling, tinitimbang pa ng pamahalaan —ES Bersamin Read More »

Bersamin, 2 Cabinet officials, itinalagang caretakers habang nasa Amerika si Pangulong Marcos

Loading

Magsisilbi si Exec. Sec. Lucas Bersamin at dalawa pang Cabinet officials bilang caretakers habang nasa biyahe sa Washington, D.C., si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay Bersamin, ang dalawang opisyal na makakatuwang niya bilang caretakers ay sina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III. Sinabi ng Punong Kalihim na ang

Bersamin, 2 Cabinet officials, itinalagang caretakers habang nasa Amerika si Pangulong Marcos Read More »

PBBM, personal na pinangangasiwaan ang paghahanda para sa kanyang ika-4 na SONA

Loading

Personal na pinangangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggawa ng kanyang talumpati, gayundin ang paghahanda para sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA). Sinabi ni Exec. Sec. Lucas Bersamin, na “deeply involved” ang Pangulo sa pagsusulat ng kanyang ulat sa bayan. Aniya, itinuturing ito ng Pangulo bilang mahalagang oportunidad upang ipabatid

PBBM, personal na pinangangasiwaan ang paghahanda para sa kanyang ika-4 na SONA Read More »

DA, tiniyak ang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ng Crising at habagat

Loading

Inatasan ng Department of Agriculture (DA) ang mga ahensya nito na agarang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyong Crising at habagat. Sa inisyal na ulat, tinatayang nasa ₱53 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa mga rehiyon ng Western Visayas at Mimaropa. Mahigit 2,000 magsasaka na nagtatanim sa mahigit 2,400

DA, tiniyak ang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ng Crising at habagat Read More »

30 barangay sa Occidental Mindoro, lubog sa baha dahil sa habagat at bagyong Crising

Loading

Lubog sa baha ang 30 barangay mula sa anim na bayan sa Occidental Mindoro bunsod ng malalakas na pag-ulan na dala ng habagat na pinaigting ng bagyong Crising. Apektado ang mga bayan ng Rizal, Magsaysay, San Jose, Calintaan, Sablayan, at Mamburao. Daan-daang ektarya ng palayan ang nalubog sa baha, kabilang na ang mahigit 300 ektarya

30 barangay sa Occidental Mindoro, lubog sa baha dahil sa habagat at bagyong Crising Read More »

Manila DPS sa publiko: Huwag magtapon ng basura sa estero

Loading

Muling nanawagan ang Manila Department of Public Service (DPS) sa mga residente na itigil na ang pagtatapon ng basura sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig sa lungsod. Ayon sa ulat, natuklasan ang malaking tambak ng basura sa Estero de Kabulusan, estero malapit sa Manila North Cemetery at sa Estero de Magdalena. Tinatayang

Manila DPS sa publiko: Huwag magtapon ng basura sa estero Read More »