dzme1530.ph

Latest News

Magalong, walang ibang dapat sisihin sa naging kapalaran sa ICI kundi ang sarili —Rep. Ridon                

Loading

Walang dapat sisihin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kinaharap nitong isyu sa Independent Commission for Infrastructure kundi ang kanyang sarili. Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, isang malaking kaipokrituhan na magpanggap si Magalong bilang “champion of transparency, accountability at good governance” ngunit tumatanggi namang ipasilip ang sariling proyekto sa Baguio. Tinukoy ni […]

Magalong, walang ibang dapat sisihin sa naging kapalaran sa ICI kundi ang sarili —Rep. Ridon                 Read More »

Mayor Magalong, kumbinsidong may nasagasaan sa imbestigasyon sa katiwalian

Loading

Kumbinsido si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may mga nasagasaan siya sa pagsusulong ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects habang nagsilbing legal adviser ng Independent Commission for Infrastructure o ICI. Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa panukalang Philippine National Budget Blockchain Act na inihain ni Senator Bam Aquino, sinabi ni Magalong na

Mayor Magalong, kumbinsidong may nasagasaan sa imbestigasyon sa katiwalian Read More »

Sen. Villar, nilinaw na walang interes sa mga kumpanyang lumahok sa DPWH projects

Loading

Nilinaw ni Senator Mark Villar na wala siyang direktang o hindi direktang pagmamay-ari at kontrol sa anumang kumpanyang lumahok sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong siya pa ang kalihim ng ahensya mula 2016 hanggang 2021. Ayon kay Villar, nais niyang ituwid ang mga maling impormasyon at tiniyak na handa

Sen. Villar, nilinaw na walang interes sa mga kumpanyang lumahok sa DPWH projects Read More »

COMELEC, ipatatawag si Sen. Escudero kaugnay ng ₱30-M campaign donation mula sa contractor

Loading

Ipatatawag ng Commission on Elections (COMELEC) si Senator Francis “Chiz” Escudero upang magpaliwanag sa umano’y ₱30 milyon campaign donations na tinanggap nito mula sa isang contractor noong 2022 elections. Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, maglalabas sila ng show cause order (SCO) laban kay Escudero matapos makipagpulong sa poll body ang abogado ni Lawrence Lubiano,

COMELEC, ipatatawag si Sen. Escudero kaugnay ng ₱30-M campaign donation mula sa contractor Read More »

Higit 100 personalidad, iniimbestigahan sa flood control project anomalies —DOJ

Loading

Tinatayang 100 hanggang 200 indibidwal ang posibleng sangkot sa maanomalyang flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ). Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, maaari nang magsimula ang paghahain ng kaso sa loob ng 90 hanggang 120 araw, simula sa mga tinaguriang “low-lying fruits” gaya ng mga ghost projects. Biro pa

Higit 100 personalidad, iniimbestigahan sa flood control project anomalies —DOJ Read More »

Paghahanda sa kalamidad, gawing bahagi ng araw-araw na buhay —Sen. Legarda

Loading

Iginiit ni Sen. Loren Legarda na dapat maging pang-araw-araw na gawi ng bawat Pilipino ang kahandaan sa kalamidad, kasunod ng 6.9-magnitude na lindol sa Cebu. Ayon kay Legarda, bawat buhay na nasasayang ay paalala na kailangang mamuhunan sa kaligtasan at kumilos agad, lalo na para sa mga pinaka-bulnerable. Binalaan nito ang mga apektadong komunidad na

Paghahanda sa kalamidad, gawing bahagi ng araw-araw na buhay —Sen. Legarda Read More »

Agarang pag-iinspeksyon sa mga gusali, ipinag-utos ng DPWH kasunod ng lindol sa Cebu

Loading

Inatasan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga building officials at municipal engineers na inspeksyunin ang lahat ng apektadong gusali at imprastraktura matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu. Ipinag-utos din ni Dizon na magsumite ang mga opisyal ng kumpleto at detalyadong ulat sa

Agarang pag-iinspeksyon sa mga gusali, ipinag-utos ng DPWH kasunod ng lindol sa Cebu Read More »

Halos 300 silid-aralan, nasira sa Cebu quake —DepEd

Loading

Umabot sa halos 300 silid-aralan ang nagtamo ng pinsala matapos ang magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Bogo City, Cebu at karatig-lugar nitong Martes ng gabi. Ayon sa Department of Education (DepEd), mahigit 16,859 na paaralan sa 73 school divisions ang exposed sa epekto ng lindol. Batay sa initial reports ng Disaster Risk Reduction

Halos 300 silid-aralan, nasira sa Cebu quake —DepEd Read More »

Kanselasyon ng rehistro ng Duterte Youth, kinumpirma ng Comelec; tatlong kinatawan, ipoproklama bilang kapalit

Loading

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkakakansela ng rehistro ng Duterte Youth Party-list. Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, agad na naging epektibo ang cancellation matapos ilabas ng poll body ang certificate of finality at entry of judgment noong Agosto 29 ng kasalukuyang taon. Matatandaang inihain ng ilang youth leaders noong 2019 ang

Kanselasyon ng rehistro ng Duterte Youth, kinumpirma ng Comelec; tatlong kinatawan, ipoproklama bilang kapalit Read More »