DFA, inaayos na ang pag-uwi sa Pilipinas ng ilang Filipino gov’t officials na stranded sa Israel
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinutulungan nilang makabalik sa Pilipinas ang ilang Filipino government officials mula sa Israel. Ayon sa DFA, inaayos nila ang pag-uwi sa bansa ng mga opisyal sa pamamagitan ng Jordan. Ang mga opisyal ay dumadalo sa isang short course sa Israel, at inaasahang makauuwi sa bansa ngayong weekend. […]