dzme1530.ph

National News

China, pinalala ang tensyon sa polisiya ng pag-aresto sa trespassers sa South China Sea

Loading

Inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinalala ng China ang tensyon sa rehiyon, sa pamamagitan ng bago nitong polisiya sa pag-aresto at pag-detain sa mga dayuhang trespasser sa South China Sea. Sa media interview sa Brunei, sinabi ng pangulo na nakababahala at hindi katanggap-tanggap ang polisiya ng China. Mababatid na inanunsyo ng China […]

China, pinalala ang tensyon sa polisiya ng pag-aresto sa trespassers sa South China Sea Read More »

PBBM, walang kinalaman sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Loading

Hands off si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapalit ng liderato sa Senado. Sa media interview sa Brunei, inihayag ng pangulo na hindi kanya kundi desisyon ng senado ang pagpapatalsik kay Sen. Migz Zubiri bilang Senate President. Sinabi pa ni Marcos na naka-out of town siya noong panahong nagkaroon ng rigodon sa senado. Sa

PBBM, walang kinalaman sa pagpapalit ng liderato sa Senado Read More »

Sen. Cynthia Villar, nanindigang hindi guilty sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Loading

Walang dapat ikaguilty si Sen. Cynthia Villar sa naging pagpapalit ng liderato sa Senado. Isa si Villar sa 15 senador na pumabor na palitan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero si dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri. Sinabi ni Villar na sa kabila ng change of leadership ay nananatiling maganda ang relasyon niya sa kanyang

Sen. Cynthia Villar, nanindigang hindi guilty sa pagpapalit ng liderato sa Senado Read More »

MIAA, naka-alerto laban sa ‘FLIRT’ COVID variant

Loading

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga biyahero na magsuot ng facemask sa Ninoy Aquino International Airport. Ayon kay Atty. Chris Bendijo, executive assistant ng MIAA, bagama’t hindi na obligado ang publiko na magsuot ng face mask makatutulong itong panglaban sa banta ng panibagong variant ng COVID-19. Sinabi ni Bendijo na nakabase sa

MIAA, naka-alerto laban sa ‘FLIRT’ COVID variant Read More »

Pilipinas at Brunei, tututok sa 2 economic corridors para sa supply chain production

Loading

Inanunsyo ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dalawang economic corridors na tututukan ng Pilipinas at Brunei, para sa supply chain production. Una rito ay ang West Borneo Economic Corridor na sasaklaw sa malaking bahagi ng Brunei. Ikalawa naman ay ang Greater Sulu-Sulawesi Corridor kung saan magiging bahagi ang Palawan at ilang parte ng Mindanao.

Pilipinas at Brunei, tututok sa 2 economic corridors para sa supply chain production Read More »

Absolute Divorce Act, naka-hold muna ang transmission sa Senado

Loading

Tamang hakbang ang pasya ng Secretariat ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, na i-hold muna ang transmission sa senado ng House Bill 9349 o Absolute Divorce Act dahil sa kuwestiyon sa bilangan ng boto. Ayon kay Manila Rep. Benny Abante Jr. dapat na maghinay-hinay muna ang pro-divorce legislators sa pagsasabing magiging ganap na itong batas. Aniya,

Absolute Divorce Act, naka-hold muna ang transmission sa Senado Read More »

Brunei business leaders, hinikayat ng Pangulo na ituring ang Pilipinas bilang prime investment destination

Loading

Hinikayat ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang business leaders sa Brunei na tingnan ang Pilipinas bilang isang pangunahing investment destination. Sa kanyang talumpati sa Philippine Business Forum sa Bandar Seri Begawan, inihayag ng pangulo na sa harap ng lumalagong populasyon at income ng rehiyon, mabilis ding lumalawak ang market para sa goods and services.

Brunei business leaders, hinikayat ng Pangulo na ituring ang Pilipinas bilang prime investment destination Read More »

2 pang senador, nadagdag sa listahan ng mga tutol sa panukalang diborsyo

Loading

Dalawa pang senador ang naidagdag sa talaan ng mga tutol sa ipinanukalang diborsyo habang isa pang miyembro ng Mataas na Kapulungan ang naisama sa listahan ng mga pabor. Sa pinakahuling datos, kabuuang siyam na senador na ang nagpahayag ng pagtutol makaraang madagdag sa listahan sina Senators Cynthia Villar at Nancy Binay. Dagdag ang mga ito

2 pang senador, nadagdag sa listahan ng mga tutol sa panukalang diborsyo Read More »

Akusasyon ni civic leader Teresita Ang-See laban sa POGO hearings, inalmahan

Loading

Umalma si Sen.  Sherwin Gatchalian sa akusasyon ni civic leader Teresita Ang See na nagiging anti-China na ang pagdinig sa ni-raid na POGO hub sa Tarlac na nagsasangkot kay Bamban Mayor Alice Guo. Sinabi ni Gatchalian na unfair ang akusasyon dahil nagsasagawa sila ng vetting process sa bawat testimonya at mga dokumentong inihaharap sa pagdinig.

Akusasyon ni civic leader Teresita Ang-See laban sa POGO hearings, inalmahan Read More »

Desisyon ng SC sa isyu ng confidential fund, inaasahang mailabas bago ang budget hearings

Loading

Umaasa si Senate President Francis “Chiz” Escudero na maglalabas na ng desisyon ang Korte Suprema kaugnay sa isyu ng confidential fund ng mga ahensya ng gobyerno bago pa man umarangkada ang budget hearings sa Senado. Ito anya ay upang magkaroon ng malinaw na gabay ang mga mambabatas kaugnay sa paglalaan ng confidential fund sa mga

Desisyon ng SC sa isyu ng confidential fund, inaasahang mailabas bago ang budget hearings Read More »