Sierra Madre, prinotektahan ang ilang bahagi ng Luzon mula sa bagyong Pepito, ayon sa PAGASA
Sinangga ng kabundukan ng Sierra Madre ang malalakas na hanging dala ng bagyong Pepito nang manalasa ito sa bansa nitong weekend. Dahil sa Sierra Madre, nalimitahan ang epekto ng bagyo, maliban sa matinding pag-ulan na naranasan sa Catanduanes at ilang isla sa lalawigan ng Quezon. Paliwanag ni PAGASA Officer-in-Charge Juanito Galang, malaki ang naitutulong ng […]