Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash-for-work payout sa estudyante sa kolehiyo na lumahok sa “Tara, Basa!” Tutoring Program.
Ipinamahagi ang sweldo ng 2nd year hanggang 4th year students sa Malabon University ngayong araw ng Huwebes, Setyembre a-14.
Sa ilalim ng “Tara, Basa!” program, sinanay ang college students mula sa mga piling state universities and colleges, upang maging reading tutor ng elementary students na hirap sa pagbasa.
Nagsilbi rin silang youth development workers para sa pagsasagawa ng “Nanay-Tatay” module sessions sa magulang o guardians ng mga bata.
Ang college students na nakiisa sa programa ay tumanggap ng arawang sahod na P570. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News