Umabot na sa Bukidnon ang CARD o Cash and Rice Distribution Program na sinimulan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos itong atasan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Romualdez ang principal proponent ng CARD Program na sinimulan sa Metro Manila at Laguna, ay nilalayong mamahagi ng bigas at cash assistance sa mahihirap na pamilya at vulnerable families.
Bukod sa CARD, dinala rin sa Bukidnon ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na programa naman ng national government.
Muling pinasalamatan ni Romualdez ang pinsang si PBBM, dahil sa programang ito nabibigyan na ng de kalidad na bigas ang mahihirap na kumunidad sa bansa.
Tatlong libong beneficiaries ang nabiyayaan ng 25-kilos ng bigas at 1,000 pesos cash sa Bukidnon, habang sa Metro Manila kabuuhan 33,000 residents muna sa 33 legislative districts ang makinabang na sa CARD Program.
Nakasama ni Romualdez sa pamamahagi sina Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores at Rep. Laarni Lavin Roque, Governor Neil Roque, at Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora.
-Ulat ni Ed Sarto, DZME News