dzme1530.ph

Cardinal Tagle, isinuot kay Pope Leo XIV ang simbolikong Fisherman’s Ring

Loading

Isinuot ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang simbolikong Fisherman’s Ring kay Pope Leo XIV sa mass of inauguration sa Vatican.

Ang Ring of the Fisherman ay simbolo ng awtoridad ng Santo Papa bilang successor ni St. Peter na isang mangingisda at unang pinuno ng Simbahang Katolika.

Ipinatong naman ang pallium o vestmade na gawa sa balahibo ng tupa, sa balikat ni Pope Leo, na sumisimbolo bilang pastol ng simbahan.

Bago ang misa ay ginamit ni Pope Leo sa unang pagkakataon ang Pope mobile at binati ang mga deboto sa loob ng 30-minuto, kung saan binasbasan din nito ang mga sanggol.

About The Author