dzme1530.ph

Caraga projects, wagi sa 2025 Kabuhayan Awards ng DOLE

Loading

Pinarangalan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga natatanging proyekto sa kabuhayan sa 2025 Kabuhayan Awards na ginanap sa Clark, Pampanga.

Kinilala si Lynn Sheryl Reasol mula Caraga para sa kanyang Rattan Making Project, habang itinanghal namang panalo ang Hinatuan Seaweed Farmers Fishermen Cooperative sa Group Category.

Ayon kay DOLE Se. Bienvenido Laguesma, patunay ang mga proyektong ito na ang maliliit na pangarap ay maaaring lumago sa tulong ng suporta ng pamahalaan.

Mula 2022 hanggang Agosto ngayong taon, mahigit 370,000 manggagawa na ang natulungan ng DOLE sa ilalim ng livelihood program na may kabuuang pondo na ₱6.4 bilyon.

About The Author