Target ng National Board of Canvassers na tapusin ang canvassing ng 100 certificates of canvass ngayong araw na ito.
Ito ang inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia dahil nais din nilang maiproklama nang maaga ang lahat ng mga nanalong senador.
Sa target timeline ni Garcia, kahit matapos hanggang bukas ang canvassing ay posibleng sa Sabado pa rin ang proklamasyon dahil kinakailangan din nilang maghanda pa ng venue at magpadala ng imbitasyon sa mga ipoproklama.
Matapos ang proklamasyon ng mga senador, posibleng kinabukasan naman isusunod ang proklamasyon para sa mga nanalong partylist.
Kung saka-sakali ito na ang pinakamabilis na proklamasyon sa kasaysayan ng eleksyon sa bansa subalit nangako si Garcia na hindi nila isasakripisyo ang integridad sa bilis ng canvassing.
Sa target na 100 COC ngayong araw na ito, natapos nila ang canvassing sa 30 COC na dagdag sa 58 COC na na-canvass kahapon.
Kung masusunod ang target na ito, posibleng bukas ay tapos na ang canvassing ng 175 COC.