Isinailalim sa State of Calamity ang Canlaon City sa Negros Oriental kasunod ng pagputok ng Bulkang Canlaon ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sinabi ni OCD Spokesperson Edgar Posadas na nagdeklara na ng State of Calamity ang Canlaon City bagaman hindi pa nila natatanggap ang opisyal na kopya ng resolusyon.
Kaninang umaga ay pinangunahan ni Canlaon City Mayor Jose Chubasco Cardenas ang Local Disaster Risk Reduction and Management Meeting kung sa tinalakay ang pagdedeklara ng State of Calamity sa lungsod.
Naapektuhan ng pagputok ng bulkan ang 5 barangay sa siyudad na kinabibilangan ng barangay Pula, Masulog, Malaiba, Lumapao, at Linothangan.