dzme1530.ph

Canadian diplomat sa China, tinanggal sa pwesto

Sinibak sa pwesto ng bansang China ang Canadian diplomat na nakatalaga sa Shanghai.

Ito ay bilang ganti sa ginawa ng Canada, kung saan pinalayas nila si Chinese Ambassador Zhao Wei matapos makatanggap ng intelligence report na pinupuntirya nito ang isang mambabatas sa Canada na hindi pabor sa pagtrato ng China sa Uyghur Muslim Minority.

Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin, tinanggal nila sa pwesto si Jennifer Lynn Lalonde, consul sa Canadian consulate sa Shanghai para itigil na rin ng Canada ang ginagawa nitong isang uri ng provocation laban sa kanila.

Ngunit binigyang diin ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, na bagamat naiintindihan nila ang paghihiganti na ito ng China, ay hindi sila natatakot bagkus ay patuloy nilang gagawin ang lahat ng kailangan para mapanatiling protektado ang mga Canadian mula sa panghihimasok ng dayuhan. —sa ulat ni Jam Tarrayo

About The Author