dzme1530.ph

Campaign sortie ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, muli nang aarangkada

Loading

Muli nang aarangkada ngayong araw na ito ang kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa pamamagitan ng campaign rally sa Antipolo City.

Ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng Alyansa, isang major show of force ang isasagawa nila sa isa sa vote rich province ng bansa.

Sinabi ni Tiangco na nagsisilbing krusyal na election battleground ang Rizal, na may 1.67 milyong rehistradong botante kaya malaki ang gagampanang papel ng probinsiya sa kahihinatnan ng midterm elections sa Mayo.

Sinabi pa ni Tiangco na ang kanilang campaign launch ngayong Abril sa Rizal ay pagpapakita ng commitment ng koalisyon na tutukan ang mga probinsiya na tumutulong sa pagdetermina sa magiging resulta ng mga national elections.

Sinabi pa ni Tiangco na ang diskarte sa pangangampanya ng ‘Alyansa’ ay nakabase sa performance ng mga kandidato, kaagapay ang kanilang subok na pamamahala, na nakalinya rin sa development agenda ni Pangulong Marcos.

About The Author