Ipinagdiriwang ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Olympic Day ngayong Biyernes kung saan highlight ang ceremonial turnover ng incentives para sa mga Pilipinong atleta na nakasungkit ng medalya sa 32nd Southeast Asian Games noong Mayo sa Cambodia.
Pangungunahan ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino ang event na ginaganap taun-taon para ipagdiwang ng pagkakatatag ng International Olympic Committee ni Baron Pierre De Coubertin noong June 23, 1894.
Pagkatapos ng seremonya ngayong umaga sa University of the Philippines Track and Field Oval sa Diliman, Queozn City, ipamamahagi ang mga tseke sa 260 Sea Games medalists – mula sa individuals, doubles, at team sports.
Matatandaang nakapag-uwi ang mga Pilipinong atleta ng 54 gold, 85 silver, at 117 bronze medals na nagdala sa Pilipinas sa ikalimang puwesto sa Cambodia games. —sa panulat ni Lea Soriano