dzme1530.ph

Camarines Norte Gov. Ricarte Padilla, itinalagang Chairman ng Bicol Regional Development Council

Itinalaga si Camarines Norte Gov. Ricarte Padilla bilang chairman ng Regional Development Council – Bicol Region.

Pinangunahan mismo ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si Interior Sec. Benhur Abalos, ang oath taking ni Padilla kasabay ng seremonya sa pamamahagi ng presidential assistance sa Pili, Camarines Sur.

Ang Regional Development Councils ang nagsisilbing regional counterpart ng National Economic and Development Authority, at sila ang bumubuo ng mga polisiya para sa pagpapaunlad sa kani-kanilang mga rehiyon.

Samantala, nanumpa na rin sa tungkulin sa harap ng pangulo si Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan bilang Chairman ng Regional Peace and Order Council – Region VII.

About The Author