dzme1530.ph

Caluya, Antique, isinailalim sa state of calamity

Isinailalaim na sa state of calamity ang island municipality ng Caluya sa lalawigan ng Antique matapos mapasok na rin ng oil spill ang territorial waters nito.

Sa datos, aabot sa mahigit 25,000 indibidwal ang apektakdo na lubos na umaasa sa karagatang sinakop ng oil spill na dulot ng lumubog na MT Princess Empress sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Unang idineklara ang No Fishing sa Caluya, Antique bunsod ng matinding banta sa kalusugan ng oil spill

Samantala, ayon kay Antique Governor Rhodora Cadiao, bukod sa calamity fund, magpapaabot din ang provincial government ng pagkain gaya ng bigas, PPEs at gamot para sa mga residenteng nakakaramdam ng respiratory illness buhat ng mabahong hangin mula sa apektadong mga dalampasigan.

About The Author