dzme1530.ph

Calibrated repatriation sa mga Pinoy sa Israel, iginiit na ipatupad

Ipinaalala ni Senador Grace Poe na ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel ang kailangang tutukan ngayon ng gobyerno.

Sinab ni Poe na dapat tiyakin ng mga ahensya ng gobyerno na maiaalis na ang mga Pinoy sa mga lugar malapit sa battle zones at dalhin sila sa shelters o halfway houses.

Dagdag pa ng senador, dapat nang ipatupad ang calibrated repatriation sa mga nais nang bumalik sa bansa habang bukas pa ang mga borders.

May pondo naman anya dito ang gobyerno at kailangan itong gastusin nang maayos.

Dapat anyang maging mabilis ang aksyon upang walang Pinoy ang madamay sa kaguluhan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author