dzme1530.ph

Calendar of activities para sa 2025 Midterm elections, inilabas na ng COMELEC

Inilabas na ng COMELEC ang scheduled activities para sa 2025 midterm national at local elections.

Sa ilalim ng Resolution No. 10999, itinakda ng COMELEC en banc ang election period simula Jan. 12 hanggang June 11, 2025, kasabay ng pagpapatupad ng gun ban sa buong bansa.

Ang 90-day campaign period para sa national candidates, gaya ng mga senador at party-list ay magsisimula sa Feb. 11 hanggang May 10 ng susunod na taon.

Ang mga lokal na kandidato naman ay mayroong apatnapu’t limang araw para mangampanya simula March 28 hanggang May 10.

Itinakda ang voting period para sa mga Pinoy na nasa ibang bansa sa April 13 hanggang May 12, habang ang local absentee voting ay magsisimula sa April 28 hanggang 30.

Maaring maghain ang mga national at local candidates ng kani-kanilang certificates of candidacy, maging ang party-list groups para sa kanilang certificates of nomination and acceptance of nomination (con-can), simula Oct. 1 hanggang 8.

Ang midterm election ay itinakda sa May 12, 2025.

 

About The Author