dzme1530.ph

‘Cabral files,’ kailangang sumailalim sa forensic audit, ayon sa DPWH chief

Loading

Sang-ayon si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa mga panawagan na isapubliko ang listahan ng infrastructure projects na umano’y nilagyan ng insertions o inendorso ng mga politiko sa mga nakalipas na budget ng ahensya, at pinaniniwalaang nai-compile ni yumaong DPWH Undersecretary Ma. Catalina Cabral.

Gayunman, sinabi ni Dizon na kailangan munang sumailalim ang mga naturang dokumento, kabilang na ang computer ni Cabral, sa forensic audit.

Inaasahang malapit ng simulan ng Office of the Ombudsman ang proseso , sa tulong ng PNP anti-cybercrime group.

Muli ring inihayag ng kalihim na ang kopya ng kumakalat na cabral files, gaya ng inilabas ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, ay hindi dumaan sa proper authentication at sapilitang kinuha mula sa opisina ng dating DPWH official.

 

About The Author