dzme1530.ph

CAAP, walang naitang pinsala sa mga airports matapos ang magnitude 5.6 na lindol

Hindi nakapagtala ng pinsala ang Civil Aviation of the Philippines (CAAP) sa mga paliparan matapos ang magnitude 5.6 na lindol na tumama sa Maconacon, Isabela.

Sinabi ni CAAP Spokesman Eric Apolonio, agad nilang inactivate ang tower emergency plan para i-check ang mga airport sa mga lugar na niyanig ng lindol.

Wala rin aniyang nakitang pinsala sa terminal building, communication equipment at runway matapos ang isinagawang assessment ng CAAP.

Sa ngayon, patuloy aniya ang operasyon ng passenger terminal matapos makitang normal ang sitwasyon habang inaantabayanan ang posibleng aftershocks. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author