Naka-heigtened alert na ang lahat ng 44 na airports ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), simula kahapon, March 24 hanggang March 31.
Ito ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.
Sinabi ng CAAP na inatasan ng kanilang pamunuan ang lahat ng service chiefs at airport managers na ipatupad ang “24/7 operations, direct communication lines, at no leave policy,” upang matiyak ang safety, security, reliability, at comfort ng mga pasahero.
Idinagdag ng ahensya na ang kanilang hakbang ay alinsunod sa “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024” ng Department of Transportation, simula Palm Sunday hanggang sa Easter Sunday.