Nagsagawa ng month-long Supervisory Management Course ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa mga civil aviation organization personnel na may hawak na first level supervisory functions, kabilang ang hinuhubog para sa nasabing pwesto.
Ang mga lumahok sa nasabing kurso ay natuto sa mga paksa at kasanayang mahalaga sa supervisory management kabilang na ang written at oral communications, conflict and stress management, change and crisis management, public financial management, pati na rin ang leadership credibility, at iba pa.
Hinimok ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo ang mga lumahok na harapin ang mga hamon nang may tapang, determinasyon, pagiging malikhain, at pagkakaroon ng open mindedness.
Ang nasabing kurso ay may layong makapagbigay ng kaalaman, kasanayan, at pag-uugali upang magampanan ang epektibong management skills sa anumang antas ng supervisory functions na makakatulong sa kanilang sarili at kanilang mga subordinates na maabot ang mga layunin ng ahensya at mga sarili nilang layunin. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News